IPB

Welcome Guest ( Log In | Register )

5 Pages V  « < 3 4 5  
Reply to this topicStart new topic
> Raising Parents..(?), how to deal with them..
angel eyes
post Nov 20 2008, 02:47 PM
Post #81


Member
**********

Group: Members
Posts: 19
Joined: 20-August 07
From: makati city
Member No.: 19939



hi guys...

i just wana share this poem, very helpful siya sa mga "struggling" sons & daughters, like me...
it changed my point of view... (IMG:style_emoticons/default/biggrin.gif)





Sulat ni Tatay at Nanay sa Atin




Mahal kong anak,

Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at
pagpasensiyahan.

Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng
pinggan
o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana
akong
kagagalitan.
Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako sa
tuwing
sinisigawan mo ako.

Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan
ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan
ng "binge!" paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat
nalang.
Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.

Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana
akong
tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo
noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay
nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang
plaka.
Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong
Pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.

Natatandaan mo anak noong bata ka pa?
kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo 'yong
sasabihin,
maghapon kang mangungulit hangga't hindi mo nakukuha
ang gusto
mo.
Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.

Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy
matanda,
amoy lupa.
Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang
katawan ko.
Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana
akong
pandirihan.

Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtyagaan kitang
habulin
Sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.

Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit,
Dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo,
maiintindihan
mo rin.

Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo,
kahit
sandali lang.
Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang
kausap.

Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong
malaman mo na
sabik na sabik
Na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka
interesado
sa mga kwento ko.

Natatandaan mo anak, noong bata ka pa?
Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin
ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy
bear.

At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakit
at maratay sa banig ng karamdaman,
huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.

Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o
madumi sa
higaan,
Pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali
ng aking
buhay.
Tutal hindi na naman ako magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan
mo sana
ang aking kamay
At bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang
kamatayan.

At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos
nalumikha,
ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana ....
Dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina...




Written by Rev. Fr. Ariel F. Robles
CWL Spiritual Director
St. Augustine Parish
Baliuag, Bulacan
Go to the top of the page
 
+Quote Post
Les Infanterie
post Dec 8 2008, 10:58 PM
Post #82


Lifetime Atenista
**********

Group: Members
Posts: 5331
Joined: 13-September 02
From: quezon city
Member No.: 3602



ganda hehe. narinig ko na ito dati. now i know kung saan ang source.
iba talaga ang buhay. maraming charge to experience bago mo talaga malaman kung ano ang tama sa mali..
Go to the top of the page
 
+Quote Post

5 Pages V  « < 3 4 5
Reply to this topicStart new topic
1 User(s) are reading this topic (1 Guests and 0 Anonymous Users)
0 Members:

 



Lo-Fi Version Time is now: 31st October 2014 - 01:28 AM